Pandamonium

Lies and Truth

June 26, 2007

Honey and Clover

~Episode 6 scene~

Yamada: *drunk and sleeping*
Mayama: *giving Yamada a piggy back ride*
Yamada: *tears fall*
Mayama: Ah! Omae, yodare tashita na! (Ah! Yamada, you just drooled on me!)
Yamada: *crying* Mayama, suki. Suki. (Mayama, I like you. I like you.)
Mayama: Mm. (Yeah.)
Yamada: Daisuki. (I love you.)
Mayama: Mm. (Yeah.)
Yamada: Suki. (I like you.)
Mayama: Mm. (Yeah.)
Yamada: Mayama, suki. (Mayama, I like you.)
Mayama: Mm. (Yeah.)
Yamada: Suki. (I like you.)
Mayama: Mm. (Yeah.)
Yamada: Daisuki. (I love you.)
Mayama: Mm. Arigatou. (Yeah. Thanks.)

WAAAAAAAAAAAAAAAA~!! Why am I witnessing these things?! Sabishii na~ ;_;

June 24, 2007

Puppy Love

Pinilit mo akong amuhin; hihimasin, aakapin, bibigyan ng pagkain, kakausapin ng malambing. Naisip ko, gusto mo akong alagaan. Gusto mong sumama ako sayo dahil mahal mo ako, dahil ikaw ang makakapagbigay sa akin ng lahat ng kailangan ko. Di nagtagal ay nagustuhan din kita. Siguro dahil madalas mo akong laruin, madalas mong himasin ang ulo ko, madalas mong kamutin ang tiyan ko, at masarap yung binigay mong pagkain sa akin. Sumama ako sa bahay mo at nakitira. Masaya ka, masaya din naman ako. Hindi na ako mag-isang gagala sa daan, mayroon na akong matutuluyan. May tao nang magpapakain sa akin at hihimasin ang ulo ko. Bilang kabayaran ko sa kabutihang ibinigay mo sa akin, isinumpa ko sa sarili ko na poprotektahan kita. Tatahol ako kapag may dumating na ibang tao, lulusubin ko kung sino man ang manakit sa iyo, kakagatin ko kung sino man ang gusto mong kagatin ko. Lahat ng kaya kong gawin, gagawin ko maprotektahan ka lang. Tumagal ang pagsasama nating dalawa. Akala ko lalo tayong malalapit sa isa’t isa, pero bakit ganon? Bakit mo ako itinali sa may pinto ng bahay mo? Siguro para makita ko agad kung may magtatangkang pumasok sa bahay mo ng walang paalam. Naintindihan kita. Binalewala ko ang higpit ng kadena sa aking leeg. Kung sabagay, ito din naman ang ipinangako ko sa sarili ko, ang protektahan ka. Lumipas pa ang ilang buwan, hindi na kita kasabay kumain. Tira na lang ang ibinibigay mo sa akin. Siguro dahil mahirap ang buhay mo ngayon. Naintindihan kita. Hindi lang naman ako ang nagtitiis sa ganitong buhay. Siguradong pati ikaw ay hirap din. Mahal pa rin kita, amo ko. Makita lang kitang ligtas, lahat ng hirap ay titiisin ko. Madalang na din ang paghimas mo sa aking ulo. Hindi mo na din kinakamot ang aking tiyan. Hindi mo na ako binabati bago ka umalis at pagbalik mo ng bahay. Hindi mo na ako pinapaliguan. Marami na akong sugat dahil sa garapata. Siguro masyadong maraming problema ang iniintindi mo ngayon. Naintindihan kita. Tingin ko naman ay mahal mo pa rin ako kasi hindi mo pa tinatanggal sa pagkakakadena ang leeg ko. Tama ba? Mahal mo pa ako, hindi ba?

June 23, 2007

Protected: I Want Revenge

This post is password protected. To view it please enter your password below:

June 21, 2007

Singing Piglet

Something I’d like to share :)

 
icon for podpress  Izel [0:25m]: Play Now | Download

June 20, 2007

Bum sa umaga, estudyante sa gabi

6pm na ang pasok ko sa school araw-araw. Ay, except saturday pala, mas maaga ng 1 hour, hahaha! Dati hinihiling ko na maging gabi ang pasok ko sa school para hindi pahirapan gumising ng maaga. Akala ko masaya yung panggabi… akala ko lang pala yun. Nakakatakot bumyahe. Sobrang dilim na sa kalsada bago ako makarating sa bahay. Minsan naisip kong maglagay ng swiss knife o tear gas o kahit gunting na lang sa bag ko para lang makasiguro na may sandata ako laban sa mga taong magtatangkang gumawa ng di kaaya-aya sa akin. Todo akap din ako sa bag ko kapag nasa byahe kahit wala naman akong dala na importante o mahal na bagay. Buti na lang may maskols ako, gahahaha! T_T

Bakit ba kasi nauso itong 3-in-1 na kape na to? Bumabalik na naman tuloy ang kaadikan ko sa kape. Natanggal ko na sa sistema ko ito dati eh. Ang hirap iwasan kapag nasimulan na. Nakaka-dalawa hanggang limang kape na ako sa isang araw. >_<;;

June 16, 2007

Anime list

I bloody need your suggestions. Click here to check my list.

Check it out, yo~ XD

June 15, 2007

Disturbed

Nagplano ako na mag-anime marathon bago magsimula ang regular classes kaya naghalungkat ako ng mga anime na konti lang ang episodes para matapos ko agad. Then, I stumbled on this really intriguing anime title Boku wa Imouto ni Koi wo Suru (I Love My Younger Sister). At dahil nga intriguing para sa aking pandinig, eh pinanood ko sya. At ngayon, medyo nagsisisi ako dahil pinanood ko sya.

Obvious naman sa title na isa itong incest love story. Tungkol ito sa magkapatid (at hindi lang basta magkapatid, they’re twins) na nagkagusto sa isa’t isa. Maganda yung drawing, maganda yung flow ng story, maganda yung lines. Shoujo-anime sya kaya syempre medyo kilig-to-the-bones ang story, ehehe. Para sa akin, almost perfect ang anime na ito. SOBRANG disturbing lang kasi kambal sila. And to think na may nangyari pa sa kanila, lalo akong nawindang. Kung naiintriga kayo at medyo malakas naman kayo psychologically (haha!), try nyo panoorin.

Hindi ako maka-move on, hahaha… >.<;;

June 13, 2007

Kabataan: Pag-asa Ng Bayan?

Ang hirap kabisaduhin ng Rolling Star, nakakabulol T_T 

Sa may tindahan sa kanto:

Bata 1: Hindi ako papasok bukas!
Bata 2: Baket?
Bata 1: Eh mey test kami bukas eh, yung division, yung may decimal. Eh hindi ko alam yun eh, hindi na lang ako papasok.
Bata 2: Eh kami nga nag-test kanina eh, multiplication, yung may decimal din. 1 to 7 eh, zero ako.

Nakakalungkot…

Next Page »