Enrolment
Enrolment kanina so I went to my school. Akala ko hindi pa ako makaka-enrol kasi I left my ID at home. Katakot-takot na sermon inabot ko kay mama, ehehe. Kasama ko kasi sya kanina kasi balak namin pumunta sa SM after enrolment para makabili na ng mga gamit ko. So ayun nga, pinakausap pa ako sa assistant dean, itanong ko daw kung pwede akong mag-enrol ng walang dalang ID. Sinermonan lang ako, tapos sabi tignan ko daw kung i-e-entertain daw ako kahit walang ID, ehehe. Nakapag-enroll naman ako. Tinakot lang yata ako ni assistant dean, lol! Nasindak naman ako O_o;
Then pumunta kami sa SM North. Giniba na pala yung SM Annex? Kanina ko lang nakita err… hindi ko pala nakita, giba na eh, gahahaha (weeeeeh~)! Lagi kasing SM San Lazaro ang punta ko kasi yun ang malapit sa school. Akala ko naubusan na ako ng sapatos sa SM. Yun lang naman ang malaking problema ko tuwing bago mag-start ang klase. Sobrang hirap ihanap ng sapatos ang mala-McDo kong paa. Kailangan ko pa yung matibay talaga na sapatos dahil tag-ulan na naman at alam nyo namang nagiging dagat ang paligid ng eskwelahan ko sa mga ganitong panahon. Hindi lang ang school ko, pati sa labas ng bahay namin. Ewan ko ba, mahal na mahal yata ako ng baha kaya kahit saan ako pumunta eh nandun sya. Sapatos at bag lang ang binili ko kanina. Baka bukas na lang ako bumili ng notebook. Wala kasi yung gusto kong notebook sa SM eh, yung si Mark Herras Dennis Trillo ang cover, gahahahahahaha!!!
I’ll be torturing myself for a few days. I MUST lose some weight! Sana lang may mangyari sa pagto-torture ko sa sarili ko. Madalas kasi parang wala lang. Tangina.
Nakalagay na location ko dun sa profile ko sa Friendster is Caloocan, Misamis Occidental, PH. Naka-initialize siguro sa -1 yung loop nila para sa pagkuha ng values, hahaha! Adik @_@; Wala na yata akong alam sa programming, parang hindi ko na alam kung pano ako magsu-survive ._.
bakla!
- tsk! ayan alam mu na nawala nang annex, balita nga dun magiging parang isang building un na puro mga clinic, you know ung mga spa clinic, let’s face it, mga health way chuvaness ekek chorva?! … kawawa nga ung mga nakaupa dun eh.. pakalat kalat cla sa loob ng SM north! hirap nila hanapin! ehehehe
- skul shoes?!… hay nakakamis din pala makipagit-gitan para lang makabili ng isang pair ng black shoessss~ ehehhehe pabo nmn kasi uniform na nga kami sa damit pati sa shoes uniform pa din! X
Comment by kai — June 6, 2007 @ 6:57 pm
honga…tag-ulan na naman…dalawa na itim kong sapatos…kulang pa ako ng extrang puti…asar…duty na….dies~
btw…i like the layout…ang ganda mo…xD
and the egg…mukha naman siya itlog eh…ang cute!
Comment by onion — June 7, 2007 @ 12:19 am
wow, dalawang nurse ang nag-comment XD
Comment by Jen — June 22, 2007 @ 3:28 pm