Disturbed
Nagplano ako na mag-anime marathon bago magsimula ang regular classes kaya naghalungkat ako ng mga anime na konti lang ang episodes para matapos ko agad. Then, I stumbled on this really intriguing anime title Boku wa Imouto ni Koi wo Suru (I Love My Younger Sister). At dahil nga intriguing para sa aking pandinig, eh pinanood ko sya. At ngayon, medyo nagsisisi ako dahil pinanood ko sya.
Obvious naman sa title na isa itong incest love story. Tungkol ito sa magkapatid (at hindi lang basta magkapatid, they’re twins) na nagkagusto sa isa’t isa. Maganda yung drawing, maganda yung flow ng story, maganda yung lines. Shoujo-anime sya kaya syempre medyo kilig-to-the-bones ang story, ehehe. Para sa akin, almost perfect ang anime na ito. SOBRANG disturbing lang kasi kambal sila. And to think na may nangyari pa sa kanila, lalo akong nawindang. Kung naiintriga kayo at medyo malakas naman kayo psychologically (haha!), try nyo panoorin.
Hindi ako maka-move on, hahaha… >.<;;
napanuod mo din… *laughs out loud* hindi kinaya… hahahaha!!! ayan… hindi ka makatulog no? di bale… hindi ka nag-iisa… ako din… sayang nga talaga… twins sila… >_
Comment by Miroku — June 15, 2007 @ 10:29 pm
si Jun Matsumoto (?) pala yung nasa live action nyan. bakit kaya live action, wala namang barilan XD weehh~
Comment by Jen — June 22, 2007 @ 3:25 pm