Bum sa umaga, estudyante sa gabi
6pm na ang pasok ko sa school araw-araw. Ay, except saturday pala, mas maaga ng 1 hour, hahaha! Dati hinihiling ko na maging gabi ang pasok ko sa school para hindi pahirapan gumising ng maaga. Akala ko masaya yung panggabi… akala ko lang pala yun. Nakakatakot bumyahe. Sobrang dilim na sa kalsada bago ako makarating sa bahay. Minsan naisip kong maglagay ng swiss knife o tear gas o kahit gunting na lang sa bag ko para lang makasiguro na may sandata ako laban sa mga taong magtatangkang gumawa ng di kaaya-aya sa akin. Todo akap din ako sa bag ko kapag nasa byahe kahit wala naman akong dala na importante o mahal na bagay. Buti na lang may maskols ako, gahahaha! T_T
Bakit ba kasi nauso itong 3-in-1 na kape na to? Bumabalik na naman tuloy ang kaadikan ko sa kape. Natanggal ko na sa sistema ko ito dati eh. Ang hirap iwasan kapag nasimulan na. Nakaka-dalawa hanggang limang kape na ako sa isang araw. >_<;;
par isa ka rin palang aswang?! bwahahahaha!! preho tau!
kaso sakin exciting ang pagiging aswang ko., inde nakakatakot kasi umaga ang uwi ko.. =p
Comment by kai — June 20, 2007 @ 4:07 pm
T_T
Comment by Jen — June 22, 2007 @ 3:24 pm