Beer
Hindi ko alam kung bakit pero medyo nagke-crave ako sa beer nitong mga nakakaraang araw. Hindi ko naman masabing dahil sa panahon kasi ang init init. Nakakainit kasi ang beer sa akin eh. Namimiss ko ang kabarkada ko nung high school? Asa! Hahaha! Joke! Kasi kasi, hindi pa naka-attend sa birthday celebration ni Garry eh, ampf…
Dahil sinuway ni Ava ang 2nd rule at tinag niya lahat ng nasa blogroll nya, ehehe…
* Each player starts with eight random facts/habits about themselves.
* At the end of your blog, you need to choose (8) people to get tagged and list their names.
* No other rules, meaning no edited entries. (we’re all grown ups here)
- Gusto ko matutong manigarilyo.
- Ayoko ng nagsusuklay. Kamay lang, ehehe.
- Hindi ako naniniwala sa Bible.
- Pati sa mga pari.
- 12 hours ang normal na tulog ko.
- Magaling akong magplano. Plano lang.
- Gusto kong, as in GUSTO, matutong manahi ng damit para hindi na ako bibili sa labas at maiinis dahil hindi kasya sakin, haha!
- Naniniwala akong may Diyos.
At gusto ko ding suwayin ang 2nd rule. Tina-tag ko din lahat ng nasa blogroll ko, kung may gusto mang sumagot nito.
Parang gusto kong tunggain yung Red Wine sa refrigerator…