Paulit ulit ulit ulit ulit ulit…
Dati, tuwing makakakita ako ng blog na puro tungkol sa love ang entries nya, naiisip ko agad na napakaarte/napakalandi ng blogger na wala nang ibang inisip kundi love-love-love! Na wala na syang ibang ginagawa sa buhay nya kundi isipin yung taong mahal nya at i-blog lahat ng tungkol dun: masaya man o malungkot. Madalas ko pa naman mabasa puro malungkot na kesyo may mahal nang iba, or hindi sya pinapansin, or mahal nya yung tao pero hindi nya masabi nararamdaman nya… tapos makikita mo yung blog nya na sobrang updated na 2-3 entries meron sa isang araw tapos ganun yung topic ng bawat entry nya, kino-close ko agad yung window. Pero ngayon naisip ko, hindi ba katulad ko lang din sila? Wala din akong ibang inisip kundi katamaran. Magkaiba lang ng topic pero pareho lang din ng ginagawa. Parang gusto ko na din i-close tong window.
Wala lang. Nitong mga nakakaraang araw kasi naramdaman ko lang ng todo ang pagiging:
Walang silbi + Walang bilang + Pabigat + Dagdag pasanin sa buhay = Inutil.

