Pandamonium

Lies and Truth

September 5, 2007

Makulay ang buhay

Minsan hindi ko na alam kung tamang sabihin ko sa nanay ko na may nararamdaman akong hindi maganda. Kung anu ano kasi sinasabi sa akin na nakakasakit ng aking damdamin, haha! Katulad na lang ngayon, sobrang bigat ng ulo ko at barado pa ang ilong ko. Sa bibig na lang ako humihinga. Nung ikinwento ko sa nanay ko na masama ang pakiramdam ko, kung anu ano na sinabi sa akin. Kesyo pabaya daw ako, laging hindi natutulog, puro radiation ang kaharap ko, kain daw ng kain ng Calamares na puro naman daw clorox, atbp. Isa din daw yan sa mga dahilan kung bakit ngayon ay slow/bobo/tanga/engot na ako. Ang sakit di ba? Katotohanan daw yan. Ampf.

Pati tita ko nakakuntsaba ng nanay ko. Sinasabi ng tita ko na halos lahat na daw ng pagkain ngayon eh puro may halong kemikal na. Dati daw sila pa daw nagtatanim ng mga kinakain nila, ganito ganyan, chenelu churva. Pero tignan ko daw sila, puro pa rin daw sila may sakit: high blood, mataas na cholesterol, diabetic, etc. Kaya daw ngayon ay magiging mas maikli na ang itinatagal ng buhay ng tao. Tignan ko daw ang sarili ko, ngayon pa lang may nararamdaman na daw ako na kung anu ano. O di ba, parang nape-predict na ng tita ko na malapit na akong mamatay, haha!

Anung magagawa ko? Eh ang sarap naman kasi talaga ng Calamares! *suntok sarili*

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word