Pandamonium

Lies and Truth

September 20, 2007

Mr. Roboto

Kanina habang nakasakay ako sa jeep papuntang school, nadinig kong tumugtog sa radyo ni manong jeepney driver yung kantang Mr. Roboto by Styx. Sa mga hindi nakakaalam ng kantang yan, maswerte kayo kaya wag nyo nang alamin, haha! Pero kung curious kayo, err… fine. Hanapin nyo na lang. Ayokong mag-upload ng ganyang kanta sa blog ko >.< So ayun nga, nadinig ko na naman yang kantang yan. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko ng kantang yan ay dahil madalas gamitin yang kantang yan kapag may Lip sync contest dito sa lugar namin kapag fiesta. Naka-body paint at face paint na kulay silver or gold tapos may dala dalang kuting sa stage ang madalas na get-up ng isang contestant na kakanta ng Mr. Roboto. Bakit may kuting? Yan ang pangalawang rason kung bakit ayokong madinig yang kantang yan. Habang nagli-lip sync kasi sila, pinapaikot-ikot nila yung kuting o kaya pinipilipit o kaya ay kinakagat nila sa batok tapos saka sila gagapang papalapit sa mga nanonood. Take note: totoong kuting. May buhay. Alive. Kinikilabutan ako tuwing ginagawa nila yon. Tapos ilang beses pang mauulit yon, kasi madalas, not less than 3 contestants ang magpeperform ng Mr. Roboto. Nakakapanlata sila, sobra. Kaya nung nadinig ko yang kantang yan sa jeep kanina, para akong masusuka -_-;

Domo arigato~ Mr. Roboto~ Domo~ Domo~ *coughs* ANYWAAAAY…

Kakatapos lang magalit ng nanay ko sakin dahil hindi na naman ako natulog ng maaga, haha! Naabutan nya akong nanonood ng TV. Nahiram ko kasi sa kaklase ko yung kopya nya ng anime na Loveless. 12 episodes lang kaya natapos ko agad.

At dahil tinapos ko pa ang panonood ng anime, magka-cram na naman ako sa project ko na isa-submit na mamaya, haha! Ambait ko talaga!

Yay~! Level 34 na ako sa PW! Gusto ko pa maglarooooo~

2 Comments »

  1. so par? kamusta naman ung kuting?! nabuhay ba sila?! buti nalang saming tuwing fiesta walang ganyan! ~_~;

    aun, teka anong anime yan!? LOVELESS?! parang… parang.. parang happy feet lang ah!? si love less.. XD

    Comment by kai — September 20, 2007 @ 2:07 pm

  2. buhay pa yung kuting. kahit ako hindi makapaniwala @_@

    uh… hindi ako maka-relate sayo, hindi ko pa napapanood happy feet eh T_T pero yeah, Loveless ang title. try mo :D

    Comment by Jen — September 23, 2007 @ 12:36 am

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word