Booooring
Hindi na ako makapag-post dito sa blog ko hindi dahil sa busy ako, kundi dahil walang interesanteng bagay na nangyayari ngayon sa akin. Merong mga nangyayari pero tingin ko hindi ko dapat isulat dito sa blog ko kasi nawawala yung uh… pano ba sabihin yun… yung hindi na nakakatuwa yung istorya kapag kinwento mo. Mas masaya kung iniisip mo lang, ehehe. Oi, bawal bastos.
Gusto kong magsimbang gabi. Kaya lang nung nagbalak ako, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ganun na katindi yung masamang espiritu sa katawan ko at naramdaman ko yung kaba nya nung nalaman nyang may balak akong pumasok sa simbahan? Pwede. Kasi may inaaway akong *cough* *cough* …
Speaking of away, nainis yata ang kuneho sa akin. Sorry na, pwede naman sorry eh, di ba? Di ba? Di ba? ._.
Malapit na ang pasko. Sana maging masaya ang lahat