Pandamonium

Lies and Truth

December 25, 2007

Merry Christmas!

Nakakapagod pero masaya ang araw na toh~

12:00am - pauwi na kami galing simbahan. Kain kami ng kain (or should I say “kain ako ng kain”) dito sa bahay! Dumating yung family nila ate, dete, saka yung tita at pamangkin ko sa pinsan. Inubos agad ni Izel yung mga regalo na bigay sa kanya, binuksan lahat @_@ Binigay sa akin ng pinsan ko yung malaking piggy bank nya. Pinangalanan ko itong Chicken.

2:00am - umuwi na sila. Sinubukan ko yung binigay sakin ng brother-in-law ko na kopya ng Ubuntu, lol! 5am na ako nakatulog, medyo naaliw ako sa Sudoku XD

12:00nn - nagising na ako sa ingay ni Izel. Ayaw daw tumanggap ng pera ni Izel, madami na daw syang pera sa bag nya. Eh samantalang wala pang 500php yung pera nya. Akala nya marami na yun. Sinasabihan pa ng “No, thanks” yung lahat ng nagbibigay sa kanya. Ang daming tinanggihan ampf -_- May dumating pa ulit na mga kamag-anak. Kumain ulit ako ng kumain.

5:30pm - kain pa rin ako ng kain. Ako yata umubos ng Carbonara. Malapit na din maubos yung salad, lol! Dumating ulit sila dete at B. Wala lang, ehehe.

10:00pm - sumasama na tyan ko. Pati tubig sa banyo naubos ko na.

11:18pm - kumakain ako ng fruit salad, haha!

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word