Late Christmas Wishlist
Bakit nga ba hindi ako gumaya sa ibang kilala ko na gumawa ng wishlist before christmas? Sayang din yun, eh di sana yung mga may balak na magregalo sa akin (meron ba?) ay magkaroon ng idea kung ano ang gusto kong matanggap. Pero sa tingin ko, hindi ko na rin kailangang gumawa ng wishlist kasi ganito lang ang magiging itsura ng wishlist ko:
1. pera
2. money
3. anda
4. okane
5. salapi
6. kayamanan
7. ayoko kay whammy
8. datung
9. dinero
10. ninoy or tatlong ulo
Kahit ano naman tinatanggap ko eh. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko. Kahit nga card ang ibigay sa akin matutuwa na talaga ako kasi sa simpleng paraan, naipakita mo na naalala mo ako. Pero mas masaya talaga kung may nakaipit sa card na, you know what I’m saying. Okay tama na, masagwa na nga image ko, pinapalala ko pa.
Dete: Ate, ano gusto mong regalo?
Ate: Wag na, isobre mo na lang.
Nilagay ni dete sa brown envelope yung regalo nyang wrist watch kay ate.