Pandamonium

Lies and Truth

January 2, 2008

New Year’s Resolution

Kahit kailan hindi pa ako gumawa ng New Year’s Resolution ko. Ayoko kasi ng pinipilit ang sarili ko sa paggawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin, ehehe. Hindi ko kayang pilitin na magbago ang sarili ko. Kung sa tingin nyo na nagbago ako, siguradong may nakaimpluwensya lang sa akin: taong nakapagpahanga sa akin, pangyayaring nagdulot sa akin na maglabas ng matinding emosyon, matinding curiousity, etc. Pero para sabihin ko sa sarili ko na “magpapapayat na ako!” dahil lang sa bagong taon na? Wa epek talaga yan eh. Parang kailangan meron munang sumampal sa akin para may gawin ako. Gusto ko sanang baguhin yan pero… kulang ako sa motivation. Kailangan may sumampal sa akin para malaman kong hindi na ako kailangang sampalin pa para kumilos…

~nanonood ng T.V.~

Ate V: NGAYON ANG PANAHON NG PAGBABAGO!
Jen: Bukas na lang…

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word