Pandamonium

Lies and Truth

January 25, 2008

Kwento Ko

Kinopya ko lang kay Oliver.

1.kwento ng pangalan mo?
»Jennifer Rama. Ayon sa kwento sa akin ng nanay ko, hindi daw talaga dapat ito ang pangalan ko. Ang gusto nya daw ay Christina or Christine. Kaya lang daw gusto nya kasi yung nickname na inuulit. Naisip nya daw yung Jen - JenJen. Kaya Jennifer ang binigay nya. Tapos ang tatay ko naman, gusto nyang ipangalan sa akin yung Rama, galing kay Prince Rama. Gusto nya kasi talaga ng anak na lalake. Eh babae na naman ang lumabas, kaya kahit sa pangalan na lang siguro eh magkaroon ng lalake, lol! Nagkasundo sila ng nanay ko na gamitin pareho ang pangalan na gusto nila.

2. anung kwento ng last birthday mo?
» maraming bumati sa akin ng happy birthday, pumasok ako sa school, may quiz. umuwi ng bahay

3. anung kwento ng 1st lovelife mo?
» magulo, ako lol!

4. anung kwento ng lovelife mo ngayon?
» mahirap, pero kinakaya namin ang lahat, sa ngalan ng buwan!

5. anung kwento ng buhok mo?
» May nakita akong mamahaling manika sa internet at natuwa ako sa buhok nya. Naisip kong gayahin kaya lang hindi ko maituloy yung pagpapagupit ng buhok dahil 1.) medyo natatakot ako sa magiging resulta. Gusto ko kasi ang itsura ng mahaba at medyo magulong buhok, at 2.) ayaw sundin ng hairdresser yung gusto kong gupit. Hindi daw okay kasi masyadong manipis ang buhok ko para sa gupit na yon. Makalipas ang ilang taon, may nakumbinsi din akong hairdresser na gayahin ang gawin ang gupit na gusto ko. Ininsulto muna ng ilang ulit bago nya tuluyang tapusin ang paggugupit.

6. anung kwento ng computer mo?
» since 1st yr high school pa ako nito. Halos lahat nabago na bukod sa case ng CPU at monitor dahil sa kaka-upgrade.

7. anung kwento ng kwarto mo?
» dati, kwarto naming tatlong magkakapatid ito. at dahil may asawa na ang dalawa kong kapatid, may sari-sarili na silang mga bahay. at ngayon ay may sarili na din akong kwarto, ehehe!

8. anung kwento mo last christmas?
» Buong araw akong tulog, sarap

9. anung kwento mo last valentines day?
» Nasa school, Engineering week yata yun

10. anung kwento ng chinelas na suot mo?
» Mama ko bumili ng tsinelas ko

11. anung kwento nung una mong nakita yung crush mo?
» syempre windang ever. kunwari wala lang

12. anung kwento sayo ng parents mo tungkol kay santa claus?
» wala silang naikwento sa akin tungkol kay Santa Claus. sa school ko na lang yata nalaman yan

13. anung kwento nung best movie na pinanood mo?
» wala akong masyadong hilig sa mga movies eh

14. anung kwento nung last time na umiyak ka?
» Nag-uusap kami ni Marvin tungkol sa mga bagay bagay. Seryosong usapan. Eh sobrang babaw ng luha ko kaya ayun, ehehe

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word