It’s Summah Time!
Ang saya saya~ panahon na naman ng paghilata at paglamon 24/7! But not for me. Kelangan meron akong matutunan ngayong summer. KELANGAN! Ano nga ba pwedeng pag-aralan ngayon? Mas okay sana yung hindi na kailangan ng pera. Alam nyo naman ako, milyonarya.
Sa lahat ng seasons, summer ang pinakagusto ko. Mas kaya kong tiisin ang sobrang init kaysa sa sobrang lamig. Isang bagay lang naman ang ayoko sa summer; hindi ang pagtunganga (paborito ko kaya yun), hindi rin ang mga sermon ni mama (medyo nasasanay na kasi ako), at lalong hindi pag-stay lang sa bahay (ayoko kasi ng naaarawan), kundi ang mga nakakairitang gamu-gamo. Maganda lang silang tignan kapag nakapalibot sa ilaw. Ayokong ayoko ng may gamu-gamo. Lecheng pati panty ko ginagapang nila.
~nakikipagkulitan w/ Izel~
Izel: *iniipit yung pisngi ko*
Jen: *ngumunguso*
Izel: *tawa ng tawa, iniipit ulit pisngi ko*
Jen: *ngumunguso ulet*
Izel: I see a bubble!