Pandamonium

Lies and Truth

May 25, 2008

Limos

Kainis panalo si Cook sa American Idol. Hindi ko matanggap, lol!

Meron lang sana akong gustong i-share sa inyo na video, lalong lalo na sa mga kapwa ko Tomasino na madalas dumaan sa kalye ng P. Noval. Nakunsensya ako nung napanood ko itong video na ito. Madalas din kasi akong mairita sa mga batang namamalimos, lalo na kapag hindi ka nakapagbigay sa kanila, ita-trash talk ka nila, haha! Marami na rin kasing mga sira ulong mga namamalimos kaya minsan hindi talaga ako nagbibigay. Imbes na gamitin sa mabuti yung perang ibibigay mo sa kanila, gagamitin pa nilang pambili ng yosi o rugby, kaya hindi ko rin masisi yung iba kapag ayaw nilang tumulong sa mga namamalimos. Sa bata o kaya sa mga may edad na lang ako nagbibigay (minsan). Oo na, masama na akong tao :(

Mga Bata ng Padre Noval (1/3)
Mga Bata ng Padre Noval (2/3)
Mga Bata ng Padre Noval (3/3)

Hindi kami close nung gumawa nyan, lol! Hanggang ngayon, mataas pa rin ang tingin ko sa mga taong Payn Arts. Idol ko kayo *saludo* :D

Pumunta kami ng alaga kong kuneho sa SM Mall of Asia kahapon. Lecheng may Pyro Olympics pala ngayon hindi ko alam kaya ayun, halos mamatay-matay kami sa kakahanap ng mapupwestuhan. Sa gilid ng ice skating rink tuloy ang bagsak namin -_- Kumain lang kami tapos nagkwentuhan tapos umuwi na. Sobrang hirap din sumakay kaya sobrang late na din kami nakauwi. Kawawang kuneho…

Malapit nang matapos ang OJT ko. Napapagod na din akong bumyahe ng humigit-kumulang 2 oras from Malabon to ParaƱaque at halos 3 oras naman from ParaƱaque to Malabon, araw-araw. Tapos hindi pa ako pumapayat sa kakabyahe ko (yun yong nakakainis don eh!). Pero okay lang, lagi namang masaya sa office. Nagpapasalamat na din ako at dun ako napunta. :)

May 15, 2008

Meripowsa

Izel: Look tita Jenjen! There’s another party! *pinakita yung invitation*
Jen: What party?
Izel: It’s a birthday party! At McDonalds!
Jen: When is it?
Izel: Uhm… Where dito yung when?
Jen: Yung date… ayun, May 18.
Izel: Oh… but I need to watch Meripowsa on May 18.
Jen: Ano?
Izel: You know, Meripowsa.
Jen: Mariposa?
Izel: Yes, Meripowsa. It’s Barbie Meripowsa. I need to watch it on May 18. And also Bunny Town. But it’s okay if I miss Bunny Town.
Jen: So pupunta ka sa party?
Izel: Wait, I’m still thinking.
Jen: Adik ka talaga! Adik ka! Adik!
Izel: STOP!! I CAN’T THINK!

May 12, 2008

Protected: Still a coward, after all

This post is password protected. To view it please enter your password below:

May 11, 2008

Birthday, Mother’s Day, Sunday, Bad day

1st birthday pala ng blog ko nung May 6~ Happy birthday, my dearest blog! *hugs* May you have many many many many more birthdays to come kahit iilan lang ang nagbabasa sayo, lol! Sana hindi na ako sumpungin ng pagde-delete ng blog~ *hugs ulet*

Kuya Choy: *kumakanta* Happy happy birthday~ Ang birthday na maswerte~ Balat nito ay genuine~ International pa ang mga design~ Ang birthday na maswerte~ Happy happy birthday! Happy happy birthday!

LOL!

Happy mother’s day sa lahat ng mga nanay lalong lalo na kina mama at ate~ Naglakwatsa si mama ngayon kasama ang mga amiga nya kaya home alone na naman ako. Haaay… ang hirap maghugas ng pinggan.

Sunday… typical na araw lang. Hindi naman interesante ang araw na ‘to. Ayoko ng linggo. *shrugs* Panoorin nyo ito, pramis maganda!
Updated nga pala yung Profile page ko, hehe! Wala lang. Gusto ko lang sabihin, bakit ba.

Nagtatampo na ako sa kuneho. Sana naman makaramdam sya…