Para akong homeschooled nitong mga nakakaraang araw. Ang dami ko pang kailangang basahin/aralin para lang makagawa ng isang matino at working na website. Wala naman akong subject sa ngayon na makakapagturo sakin ng mga kailangan ko para sa paggawa ng website. Akala ko magaling na ako sa mga web chorva, sobrang hindi pala. Mayabang lang pala ako.
Nalulungkot na naman ako… ._.
Isang araw lang akong nagka-sipon, gahahaha! Walang kwenta! XD Sana hindi na maulit… T_T
Hindi ako nakapasok sa 1hr class ko kanina ng 6-7pm. Hutangenang traffic yan! Umalis ako ng bahay 4:30pm. Nakarating ako sa Tayuman ng 5:55pm. Tapos simula Tayuman hanggang UST, halos 45 minutes na byahe?! Pesteng… alas-6 na ng gabi ang klase, hindi pa ako nakapasok. Alas sais! ALAS SAIS!…
Hindi ko ma-update ang DeviantART at YouTube account ko. Hindi ko pa ma-scan yung mga na-drawing ko tapos hindi ko matapos-tapos yung isa pang vid na ine-edit ko. Hay… gusto ko ng magandang PC… =/
Traffic~ Too bad, nakaka-badtrip~
Yey! New layout! Downloaded nga lang. Wala akong maisip na design eh, bakit ba.
At ngayong tapos na ang pinakahihintay kong prelim exam week (medyo tapos na. Iniba ng isang prof namin yung sched ng exam sa subject nya eh), medyo matatahimik na din ako sa wakas. Makakapaglaro na ulit ako ng Perfect World ng walang masyadong inaalala, ehehe! Konti na lang at magagamit ko na yung flying device ko, lol! Nakakabwisit kayang tumakbo, tumalon, mag-teleport at lumangoy sa kung saan-saang lugar. Pati nga yung isang player na naka-party ko eh nabubwisit na din, ehehe!
PW player: Bwisit tong mga Elder na toh! Akala yata nila madaling magpabalik-balik! Bat ba hindi sila gumawa nitong mga quests na toh?!
2 years na kami nung August 18~! Daldal ampf, haha! Hulaan nyo kung ano ginawa namiiiin~ Ahihihihihihi!!! Hulaan nyoooo~ Ooooooooooooohohohohohohoho!!!
.
..
…
….
…..
……
…….
……..
…….
……
…..
….
…
..
.
Wala. May bagyo eh. Tapos may training pa sya. Na-greet ko sya nung umaga sa text, sya din na-greet nya ako. Yun na, tapos na. Ang saya-saya no? Love na love kasi kami ni Mother Nature eh. Sobrang sang-ayon ang panahon sa relasyon namin. Tanginang yan.
Tag-ulan na naman~ at alam nyo ba kung ano ibig sabihin nito? Madalas na may ulan (malamang)! Madalas na namang walang pasok! Madalas na baha! Madalas na magluluto ng sopas si mama! Kaya lang bawal nang umebak, hindi kasi lulubog kasi nga mataas ang baha, hahaha!!! Masarap pa naman kumain ng kumain kapag tag-ulan, lalo na kapag bagong luto ang pagkain. Hindi ka na maiinis kapag pinagpapawisan ka sa init ng pagkain mo. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng walang fan, at ayun nga, ngayon na lang ulit ako nakatulog! Haha! Pers taym? Ang sarap gumising sa umaga~ Ngayon ko na lang ulit nakita ang araw~ haha! Okay, exaggerated na.
~Eco Class~
Prof: Naabutan nyo pa ba yung panahon na wala pang kakumiptensya ang PLDT?
Classmate: Bata pa kami mam.
Prof: Grabe naman kayo. Anyway, nung panahon na wala pang kakumpitensya ang PLDT, sobrang tagal bago ka nila makabitan ng linya. Noong unang magpakabit kami ng telephone line, inabot kami ng 3 years.
Classmate: Literally?
Prof: Literally, 3 years.
Classmate: Akala ko inexaggerate lang, haha! Parang 10 years kang naghintay di ba?
Laganap na kasi ang kabaklaan eh, mahirap na tuloy intindihan ang lenggwahe natin, haha!
6pm na ang pasok ko sa school araw-araw. Ay, except saturday pala, mas maaga ng 1 hour, hahaha! Dati hinihiling ko na maging gabi ang pasok ko sa school para hindi pahirapan gumising ng maaga. Akala ko masaya yung panggabi… akala ko lang pala yun. Nakakatakot bumyahe. Sobrang dilim na sa kalsada bago ako makarating sa bahay. Minsan naisip kong maglagay ng swiss knife o tear gas o kahit gunting na lang sa bag ko para lang makasiguro na may sandata ako laban sa mga taong magtatangkang gumawa ng di kaaya-aya sa akin. Todo akap din ako sa bag ko kapag nasa byahe kahit wala naman akong dala na importante o mahal na bagay. Buti na lang may maskols ako, gahahaha! T_T
Bakit ba kasi nauso itong 3-in-1 na kape na to? Bumabalik na naman tuloy ang kaadikan ko sa kape. Natanggal ko na sa sistema ko ito dati eh. Ang hirap iwasan kapag nasimulan na. Nakaka-dalawa hanggang limang kape na ako sa isang araw. >_<;;
Enrolment kanina so I went to my school. Akala ko hindi pa ako makaka-enrol kasi I left my ID at home. Katakot-takot na sermon inabot ko kay mama, ehehe. Kasama ko kasi sya kanina kasi balak namin pumunta sa SM after enrolment para makabili na ng mga gamit ko. So ayun nga, pinakausap pa ako sa assistant dean, itanong ko daw kung pwede akong mag-enrol ng walang dalang ID. Sinermonan lang ako, tapos sabi tignan ko daw kung i-e-entertain daw ako kahit walang ID, ehehe. Nakapag-enroll naman ako. Tinakot lang yata ako ni assistant dean, lol! Nasindak naman ako O_o;
Then pumunta kami sa SM North. Giniba na pala yung SM Annex? Kanina ko lang nakita err… hindi ko pala nakita, giba na eh, gahahaha (weeeeeh~)! Lagi kasing SM San Lazaro ang punta ko kasi yun ang malapit sa school. Akala ko naubusan na ako ng sapatos sa SM. Yun lang naman ang malaking problema ko tuwing bago mag-start ang klase. Sobrang hirap ihanap ng sapatos ang mala-McDo kong paa. Kailangan ko pa yung matibay talaga na sapatos dahil tag-ulan na naman at alam nyo namang nagiging dagat ang paligid ng eskwelahan ko sa mga ganitong panahon. Hindi lang ang school ko, pati sa labas ng bahay namin. Ewan ko ba, mahal na mahal yata ako ng baha kaya kahit saan ako pumunta eh nandun sya. Sapatos at bag lang ang binili ko kanina. Baka bukas na lang ako bumili ng notebook. Wala kasi yung gusto kong notebook sa SM eh, yung si Mark Herras Dennis Trillo ang cover, gahahahahahaha!!!
I’ll be torturing myself for a few days. I MUST lose some weight! Sana lang may mangyari sa pagto-torture ko sa sarili ko. Madalas kasi parang wala lang. Tangina.
Nakalagay na location ko dun sa profile ko sa Friendster is Caloocan, Misamis Occidental, PH. Naka-initialize siguro sa -1 yung loop nila para sa pagkuha ng values, hahaha! Adik @_@; Wala na yata akong alam sa programming, parang hindi ko na alam kung pano ako magsu-survive ._.
Common Tao: Ang panget ng case study ko. Kinabahan kasi ako nung presentation na eh. Hindi naman kasi ako magaling umarte, mag-inarte pwede pa, haha! Feeling ko hindi ako exempted sa final exam T_T
Database: Mukhang okay naman yung defense ng group namin. May konting kulang at mali pero okay na din. Tinatakan ako ng dalawang smileys ng prof ko sa kamay ng dahil natuwa sya sa interface na ginawa ko, hahaha! Gusto ko yung pantatak nya… @_@