Pandamonium

Lies and Truth

May 12, 2008

Protected: Still a coward, after all

This post is password protected. To view it please enter your password below:

February 7, 2008

Protected: Pag-Iisang Dibdib

This post is password protected. To view it please enter your password below:

November 8, 2007

Dear Wish Ko Lang,

Gusto ko po sanang maging henyo. Yun lang po.

Nagmamahal,
Jen

October 18, 2007

Protected: Back to Black

This post is password protected. To view it please enter your password below:

October 7, 2007

M.M.M.

Sinabi ng teacher ko dati na kapag pipili daw kami ng makakasama habang buhay, piliin daw namin yung M.M.M. Hindi iyan yung Matandang Mayamang Madaling mamatay ha. Yan yung Mabait, Matalino, at May takot sa Diyos. Sagot ng isang kaklase ko, “ayaw po namin ng bakla.
Mahirap talagang maghanap ng makakasama mo habang buhay, lalong lalo na kung susundin mo yang MMM na yan (yung 2nd ha, hindi yung 1st na MMM :P ). Dati may nakilala akong mabait, matalino at may takot sa Diyos. May bonus pang kagwapuhan yon! Magnifico! Haha! No, hindi sya bading, sigurado ako dun. Naging crush ko sya, mga 2 months lang, ehehe! Kasi na-diskubre kong sobra pala ang takot nya sa Diyos. Yung tipong pati paniniwala mo sasalungatin nya. Ayun, ka-turn off. Technically, Catholic ako. Sya naman ay mentally, psychologically, emotionally, and spiritually Catholic. Magkaiba kami. Okay nga sya, MMM sya. Kaya lang sarado ang utak. Dun ko naisip na kulang ang MMM bilang basehan sa pagpili ng makakasama ko habang buhay. Sa akin, hindi naman importante ang relihiyon, sa totoo lang. Mas importante yung kahit magkaiba kami, magkasundo at nagkakaintindihan pa rin kami. Respetuhan lang. Malaki ang naitutulong nun sa relasyon. Super. *tentenenen-tenen!*
Wala lang. Naisip ko lang.

Finals na this week~ yey! Tapos sembreak na! Tapos 2nd sem na! Tapos… tapos… *feels sad* …

September 25, 2007

Paulit ulit ulit ulit ulit ulit…

Dati, tuwing makakakita ako ng blog na puro tungkol sa love ang entries nya, naiisip ko agad na napakaarte/napakalandi ng blogger na wala nang ibang inisip kundi love-love-love! Na wala na syang ibang ginagawa sa buhay nya kundi isipin yung taong mahal nya at i-blog lahat ng tungkol dun: masaya man o malungkot. Madalas ko pa naman mabasa puro malungkot na kesyo may mahal nang iba, or hindi sya pinapansin, or mahal nya yung tao pero hindi nya masabi nararamdaman nya… tapos makikita mo yung blog nya na sobrang updated na 2-3 entries meron sa isang araw tapos ganun yung topic ng bawat entry nya, kino-close ko agad yung window. Pero ngayon naisip ko, hindi ba katulad ko lang din sila? Wala din akong ibang inisip kundi katamaran. Magkaiba lang ng topic pero pareho lang din ng ginagawa. Parang gusto ko na din i-close tong window.

Wala lang. Nitong mga nakakaraang araw kasi naramdaman ko lang ng todo ang pagiging:
Walang silbi + Walang bilang + Pabigat + Dagdag pasanin sa buhay = Inutil.

June 24, 2007

Puppy Love

Pinilit mo akong amuhin; hihimasin, aakapin, bibigyan ng pagkain, kakausapin ng malambing. Naisip ko, gusto mo akong alagaan. Gusto mong sumama ako sayo dahil mahal mo ako, dahil ikaw ang makakapagbigay sa akin ng lahat ng kailangan ko. Di nagtagal ay nagustuhan din kita. Siguro dahil madalas mo akong laruin, madalas mong himasin ang ulo ko, madalas mong kamutin ang tiyan ko, at masarap yung binigay mong pagkain sa akin. Sumama ako sa bahay mo at nakitira. Masaya ka, masaya din naman ako. Hindi na ako mag-isang gagala sa daan, mayroon na akong matutuluyan. May tao nang magpapakain sa akin at hihimasin ang ulo ko. Bilang kabayaran ko sa kabutihang ibinigay mo sa akin, isinumpa ko sa sarili ko na poprotektahan kita. Tatahol ako kapag may dumating na ibang tao, lulusubin ko kung sino man ang manakit sa iyo, kakagatin ko kung sino man ang gusto mong kagatin ko. Lahat ng kaya kong gawin, gagawin ko maprotektahan ka lang. Tumagal ang pagsasama nating dalawa. Akala ko lalo tayong malalapit sa isa’t isa, pero bakit ganon? Bakit mo ako itinali sa may pinto ng bahay mo? Siguro para makita ko agad kung may magtatangkang pumasok sa bahay mo ng walang paalam. Naintindihan kita. Binalewala ko ang higpit ng kadena sa aking leeg. Kung sabagay, ito din naman ang ipinangako ko sa sarili ko, ang protektahan ka. Lumipas pa ang ilang buwan, hindi na kita kasabay kumain. Tira na lang ang ibinibigay mo sa akin. Siguro dahil mahirap ang buhay mo ngayon. Naintindihan kita. Hindi lang naman ako ang nagtitiis sa ganitong buhay. Siguradong pati ikaw ay hirap din. Mahal pa rin kita, amo ko. Makita lang kitang ligtas, lahat ng hirap ay titiisin ko. Madalang na din ang paghimas mo sa aking ulo. Hindi mo na din kinakamot ang aking tiyan. Hindi mo na ako binabati bago ka umalis at pagbalik mo ng bahay. Hindi mo na ako pinapaliguan. Marami na akong sugat dahil sa garapata. Siguro masyadong maraming problema ang iniintindi mo ngayon. Naintindihan kita. Tingin ko naman ay mahal mo pa rin ako kasi hindi mo pa tinatanggal sa pagkakakadena ang leeg ko. Tama ba? Mahal mo pa ako, hindi ba?

June 23, 2007

Protected: I Want Revenge

This post is password protected. To view it please enter your password below:

Next Page »